Sino ang puwedeng bumoto
Puwedeng bumoto ng miyembro sa school board ang mga magulang sa San Francisco kung sila ay lahat ng mga sumusunod:
- hindi US citizen
- isang residente ng San Francisco
- 18 taong gulang o higit pa
- Kasalukuyang wala sa bilangguan o may parole dahil sa isang felony conviction
- Magulang, ligal na tagapag-alaga, kinikilalang ligal na tagapag-alaga ng isang bata na menor de edad (17 taong gulang o mas nakababata)
- Nakatira sa San Francisco Unified School District ang inyong batang pinangangalagaan
Anong dapat pag-isipan kapag binabalak magparehistro
Dapat gumawa ng sariling desisyon ang bawat pamilya sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga panganib at benepisyo sa pagpaparehistro o hindi.
- Ayon sa batas, lahat ng impormasyon na ibinibigay ng mga magulang sa SF Department of Elections ay pampublikong impormasyon. Kasali dito ang pangalan at address. Maaaring makuha ng Immigration and Customs Enforcement (ICE) at ibang estado at pederal na ahensya ang pampublikong impormasyon.
- Sa proseso ng naturalisasyon, tinatanong sa mga aplikante kung sila ay nagrehistro na bumoto o dating bumoto sa mga nakaraang pederal, estado, o lokal na eleksyon dito sa Estados Unidos. Ang mga botante ng Prop N na balak mag-apply sa naturalisasyon ay kailangan magsama ng sulat mula sa SF
Ang mga magulang ay dapat makipagkonsulta sa abogado ng imigrasyon, organisasyon na nagtatanggol ng mga karapatan ng imigrante, o iba pang mapagkukunan ng sapat na kaalaman bago sila magparehistro sa botohan ng San Francisco Board of Education.
MAKIPAG-USAP SA EKSPERTOPaano magparehistro
Dapat bisitahin ng mga magulang na gustong bumoto ang SF Department of Elections para kumpletuhin ang Non-Citizen Voter Registration Form pagkatapos ng pagtanggap ng ligal na tulong/payo.
Inilabas ang form na ito noong Hulyo 16, 2018 at iba ito sa regular/pangkaraniwan ng voter registration form. Kung kayo ay isang Non-Citizen na botante at nagparehistro kayo gamit ang regular na form, kailangan agad lapitan o kontakin ang Department of Elections.
Tungkol sa Prop N
Noong Nobyembre 2016, ipinasa ng mga botante ng San Francisco ang Proposisyon N na nagpapahintulot sa mga magulang na hindi citizen na bumoto sa San Francisco Board of Education o School Board.
Ang mga residente ng San Francisco na hindi citizen ng U.S. ay maaari lamang bumoto sa San Francisco Board of Education elections, at hindi maaaring bumoto sa pederal, estado o iba pang lokal na eleksyon sa U.S. Ang balota na gagamitin ng mga botante ng Prop N ay maglalaman lamang ng mga kandidato sa Board of Education.