DACA
Tulong para sa mga tumatanggap ng DACA.
Magpa-iskedyul ng appointment sa isa sa mga organisasyon sa ibaba para magpa-renew ng DACA (Deferred Action for Childhood Arrivals)
Ang DACA ay nilikha noong 2012 para mabigyan ng temporaryong proteksyon sa deportasyon at access sa work permit ang mga iilan na imigranteng undocumented na dumating dito sa U.S. bilang mga bata.
Noong Setyembre 13, 2023, may hukom sa pamahalaang pederal na nagpasya na ang DACA ay labag sa batas, subálit hindi nito pinatitigil ang programa. Inaasahan na iaapelá ang desisyon at malamang na ito ay umabot hanggang sa Korte Suprema ng U.S.
Walang pagbabago para sa mga kasalukuyang may DACA buhat sa pagpapasyang ito. Mananatili ang mga proteksyon at mga pahintulot na magtrabaho (work permit) para sa mga kasalukuyang may DACA at patuloy ang pagpapanibago (renewal) nito. Sino man na kasalukuyang may DACA o nagkaroon ng DACA noong nagdaang taon ay maaari pa rin mag parenew. Kasalukuyang walang ipinagkakaloob na DACA para sa mga bagong aplikante.
Mga Pwedeng Makatulong
Ang mga organisasyon sa ibaba ay tumutulong sa mga tumatanggap ng DACA na mag-apply sa renewal. Karaniwang mababa o libre ang mga konsultasyon at ang bayad sa aplikasyon ng mga taga-San Francisco ay maaaring gawing libre.
Isa sa mga pruweba sa paninirahan dito ang paggamit ng mga transcript ng paaralan para sa inyong aplikasyon sa DACA. Maaaring hilingin ang libreng transcript ng mga kasalukuyan at dating estudyante ng San Francisco Unified School District (SFUSD) sa pamamagitan ng pag-email sa: transcripts@sfusd.edu
-
Arab Resource & Organizing Center (AROC)
Mga Wika na Sinasalita:English Arabic Farsi -
Asian Pacific Islander Legal Outreach (APILO)
Mga Wika na Sinasalita:English Mandarin Cantonese Filipino Vietnamese Korean Japanese Spanish -
Catholic Charities CYO of San Francisco
Mga Wika na Sinasalita:English Spanish Portuguese MandarinTawagan 650.295.2160 www.catholiccharitiessf.org/what-we-do/immigration
-
Central American Resource Center (CARECEN)
Mga Wika na Sinasalita:English Spanish -
Dolores Street Community Services (DSCS)
Mga Wika na Sinasalita:English Spanish Hindi -
Institusyon ng Bay Area sa Imigrasyon (IIBA)
Mga Wika na Sinasalita:English Spanish -
Jubilee Immigration Advocates
Mga Wika na Sinasalita:English Cantonese Mandarin Filipino Spanish French Vietnamese -
Justice & Diversity Center-Homeless Advocacy Project
Mga Wika na Sinasalita:Spanish -
LGBT Asylum Project (Proyekto ng LGBT Asylum)
Mga Wika na Sinasalita:Spanish Portuguese -
La Raza Centro Legal (LRCL)
Mga Wika na Sinasalita:English Spanish -
Legal Services for Children
Mga Wika na Sinasalita:English Spanish -
We Rise SF Labor Center for Immigrant Justice
Mga Wika na Sinasalita:English Spanish Cantonese Mandarin ArabicTawagan 415-440-8798 sflaborcouncil.org/community-services/2417-2