Public charge

Kung may mga katanungan, kausapin ang isang kwalipikadong abogado

Ang mga taga-San Francisco na may mga katanungan tungkol sa “public charge” ay dapat lumapit sa isang kwalipikadong abogado ng imigrasyon. Libre o mura ang mga konsultasyon para sa mga taga-San Francisco.

KAUSAPIN ANG ISANG EKSPERTO

Maaari rin ninyong lapitan ang SF Human Services Agency kapag may mga tanong tungkol sa “public charge” at paggamit ng pampublikong benepisyo.


Ang pagpapalawak sa patakaran ng “public charge” na dulot ng kapanahunan ni Trump ay wala ng bisa. 

Noong Disyembre 23, 2022, ang bagong tuntunin sa “public charge” ng administrasyong Biden ay nagka bisa. Ibinabalik ng pinal na  tuntuning ito ang makasaysayang pag-unawa sa “‘public charge.

Ang ibig sabihin nito ay ligtas na mapakikinabangan ang pangangalaga sa kalusugan, pabahay, programa sa pagkain, at iba pang mga mahahalagang serbisyo sa pangangailangan, at maaari na rin mag-apply ang mga elehibleng imigrante para sa kanilang legal na katayuan ng walang pangangamba sa patakarang “public charge”.


Karamihan ng mga imigrante na tumatanggap ng mga pampublikong benepisyo at serbisyo ay hindi maapektuhan ng patakarang “public charge.” Hindi apektado ang mga imigranteng humanitarian katulad ng mga refugee at asylum seekers, o mga humahawak ng green card na naga-apply para sa U.S. citizenship o muling pagpapabago ng green card.


Hindi kasali sa patakarang “public charge” ang mga test, paggamot, at bakuna para sa COVID-19. Walang tao ang dapat umiwas sa pagtanggap ng pagpapagamot dahil sa takot na mapasailalim sa public charge. Hindi rin kabilang sa assessment ng public charge ang pagtanggap ng mga benepisyo sa unemployment o stimulus check.



Ang pagtanggap ng mga programa sa kalusugan, nutrisyon, at pabahay ay hindi ikinokonsidera sa pagsusulit ng “public charge.” Dapat ipagpatuloy na tumanggap ng serbisyo na kanilang kinakailangan ang sinumang indibidwal at mga pamilya na elehible na makakuha ng tulong.